Saturday, September 24, 2011

Magagandang Tanawin

2. Hagdan-hagdang Palayan o Banawe Rice Terraces









           Ito ay bundok na nilinang ng mga ifugao upang mapagtaniman ng palay at gulay. Ito ay matatagpuan sa Banawe, ifugao. Pinaniniwalaang gawa lamang ang mga mga palayang ito sa kaunting kagamitan at karamihang gawa na gamit ang mga kamay. Matatagpuan ang mga palayan sa humigit-kumulang na 1500 metro (5000 ft) sa itaas ng dagat at sumasakop ng lugar na may laking 10,360 kilomatro kuwadrado(mahigit kumulang sa 4000 milya kuadrado) ng gilid ng bundok. Pinapatubig ito sa pama-magitan ng isang sinaunang sistemang patubig mula sa mga kagubatan sa itaas ng mga palayan. Sinasabing kung pagdudugtungin ang mga dulo hakbang, papalibot ito sa kalahati ng mundo.

No comments:

Post a Comment