Ito ay isang
pook-pasyalan at makikita ito sa Maynila. Isa ito sa pinakamalaking parke sa bansa at dito binaril si Dr. Jose Rizal. Makikita dito ang Monumento n gating
Pambansang Bayani. Maipagmamalaki ng Luneta ang pambihira nitong harding may hibong Tsino at Hapones, na paboritong puntahan ng mga mag-anak, magkakaibigan, at kahit ng mga deboto ng gaya ng El Shaddai. Naroon sa parke ang replika ng arkipelago ng Filipinas, at malapit sa awditoryum na malimit gawing tanghalan ng sayaw, konsiyerto, dula, tula, at iba pang may kaugnayan sa sining. Ang mga kagawaran ng pamahalaan, gaya ng Pambansang Aklatan, Pambansang Museo, at Kagawaran ng Turismo, ay tila nagpapasulak ng damdamin sa lugar. Samantalang ang Planetarium, Orchidarium at Butterfly Pavillion, at kahit ang fountain ay makapagpapaalala sa mga Filipino hinggil sa kanilang pag-iral at pagkamamamayan.
No comments:
Post a Comment